Saturday, October 4, 2008

BOMBSCARE

Sa matao na eskenita
Di inaasahang tayo'y magkita.
Bitbit ko ang ala-ala
ng kahapon kong masigla
Di ba't ikaw ang pangarap
na lagi kong inaasam.
Ngayon ay kaharap
at pinagmamasdan.

Binuo ang loob ko
na sa iyo ay magpakilala
nang aking matatanto
kung ang pangarap
ay abot kamay na

Wari'y nagusap ang iyong mga mata
at inakit ang puso kong mahina.
Ako'y nagdesisyon sa unang hakbang
sabay lunok ng tuyong lalamunan.

Biglang may nagsigawan!
MAY BOMBA DAW SA KANTO!
Mga tao ay nagsulputan
Lahat karipas ang takbo.
Di mawari ang paligid
animo'y umikot ng sampung ulit.
alerto kong tuhod agad nasa gilid.
Pangarap na iha sa isip nawaglit.

Ingay ay naglaon,
galit at takot ang pumalit
sa teroristang naglayon
ng kahayupang lupit.
Mayuming nasa harap ko
di ko na makita,..
marahil sa kakapalan ng tao'y naglaho
Nawala na parang bula.
Naudlot na diskarte dahil
sa LETSHENG TERORISTA!
Walang ginawang mabuti
pangarap ng iba ay sinira.

Maghihintay na lang uli
ng susunod na pagkakataon.
makatagpo ng mayumi.
At terorismo ay maglaon.

No comments: