Share ko lang kwento ko. Sana pagtyagaan nyo.
Isa sa mga bagay na mahirap hanapan ng kapantay sa buhay ko sa Pilipinas ay ang barberya at parlors sa atin. Katulad na rin siguro ito ng jeepney natin. Iba kasi ang "comfort level" ko kapag sa isang kakilalang barbero ako magpapagupit (na may libreng tip sa tupada), o kaya ay sa malditang bakla(may tsismis sa syota ng bayan), o kahit isang manang na matapos kang gupitan ay yayayain ka ng pedicure o kaya manicure. Minsan pwede pang utang. Minsan may offer panghulugang natsha or avon. Mapa-mall man o sa kanto ka lang magpagupit..numero uno sa serbisyo! with a smile pa!
Yung pangalawang buwan ko dito sa SG ay nagpasya akong magpagupit na. Una kong sinubukaan sa Malay barber.
AKO: Its fine, but i think your cut here is not even, i can still see longger hair popping-out. (ok naman gupit mo kaso lang may mga mahahaba pa na di nagupit, ayan o! nakatikwas)
Rassim: You want short-cut ah. you tell me cut this side short, Now you want cut more. not decided ah. better tell early ah.
AKO: sige na nga mashe na lang.
Di ako natuwa sa quality ng work niya, bukod sa aga-aga(anyhow-anyhow) na! nagmamadali pa at parang di dapat ko kinukwestiyon ang talent nya.Aya-papaya!
After a month, may nakita akong barbershop ng isang Mandarin Speaking.Todo ganda ng interior, may mga may kung anu-anong poster at botelya sa loob, may babae rin, mukhang mga skilled.Pasok ako:
Abeng: Very short,very short!
AKO: Tuy! but not too short just this thick! (sabay senyas ng one-half inch sa daliri ko.
Ke todo smile pa sya at nagmamadali, may masahe pa. Ang bilis! walaeh! nagmukha akong tennis ball! pabilog na flaptop ang labas! Umuwi na lang ako kaysa maubos ang oras sa pagpilit na ipaintindi sa kanya ang mga ingles ko.Nag-ala Jimmy Santos english na nga ako di pa rin naintindihan.Inintindi ko na lang kasi medyo may edad na amrahil ay di nga ay hirap sa English.
May isang buwan ulit, di na ako nagpagupit. Inabot ako ng 3 buwan bago ko nadiskubre na may baklang Pinoy pala na naggugupit sa Lucky Plaza. Yung mga naka-karatula sa mga labas ng parlor ay front lang pala. Ituturo ka rin pala ng isang tambay na pinay doon sa mga Instik. Tagalog lang yung karatula pero hindi Pilipino ang magkukulot sa iyo. Ayus naman maggupit yung baklang barbero..kasi nakuha niya ang gusto ko. Uso pa daw yung style. Yun nga lang napabili ako ng gel dahil sa hinayupak na style na yun. Mahal na serbisyo nya,mahal pa ang gel dito.
Nais ko ulit i-try sa Malay. Mura na.malapit pa sa flat namin.
YES! Barber Shop. Ang sabi sa karatula.Pero ang sabi ng isip ko "No! not again!". Ayoko naman manghusga agad. Pasok ako:
Paul Abdul: Skin head? This one (turo sa army cut na larawan)or this one(turo sa kalbong makintab)? This one can, this wan can oso (sabay turo sa Flattop).
AKO: Just skin head, but not too short! maybe this short lah!(sabay senyas ng one-fourth inch)
Paul Abdul: No!, skinhead is this( sabay turo sa larawan ng kalbong makintab ang ulo). Its either zero or this.(Yan ang eksaktong namutawi sa bibig niya)
Pinili ko na lang yung skinhead army style. At umuwi ako upang ipagpatuloy ang pag-iisip kung ano ang ibig niyang sabihin. Wala akong question sa quality ng work nya. Ok naman yung service nya kasi binigyan ako ng options. Kung tutuusin naintindihan ko yung sinabi nya pero ang di ko maintindihan ay kung alam nya ba kung ano ang nasabi niya?
1. pinapipili nya ako kung anong klaseng skinhead:army skinhead, makintab na kalbo, or napakanipis na flattop. Kung sana alam ko sa English yung "semi-kalbo" Robin padilla style.
2.sinasabi nya sa akin na isang haba lang ang kayang itabas ng gunting nya. Para siyang computer na tanging 0 at 1 lang ang naintindihan. "Its eithier zero or this". walang medyo mahaba,walang huwag masyado maikli. Either may buhok syang ititira o..wala.
Walaueh!
Showing posts with label pinoysg. Show all posts

Sunday, November 23, 2008
Thursday, September 11, 2008
Kung bakit ako nangibang-bayan
I just saw this entry from one of my fave site, www.pinoysg.com
This guy simply hits me. Yes, I agree with him, somehow some of us is like
"the beautician" in that car. Anyway, just sharing. Read along & enjoy.
http://www.pinoysg.com/index.php?option=com_content&task=view&id=156
Kung bakit ako nangibang-bayan
Isinulat ko ito bago ako nagkaroon ng pagkakataong makapag-trabaho sa Singapore. Foreshadowing. Inaamin ko, sumuko na din ako.
PARA sa isang motoristang naipit sa trapiko, nakakairita naman talaga ang makakita ng isang convoy ng mga pribadong sasakyan na, sa tulong ng ilang police escorts, ay nagsusumiksik at nambabraso ng iba pang mga sasakyan gayong napakasikip na nga ng kalsada.
Higit nga bang mahalaga ang oras ng kung sino mang mga Ponsyo Pilatong ito kung ihahambing sa panahon nating mga hoi polloi?
Naalala ko tuloy ang essay ng nobelistang si F. Sionil Jose, ang Bakit Mahirap Tayong Mga Pilipino? Ayon sa kanya, mahirap tayo dahil mahirap tayo. Nasa kultura natin ang kahirapan. Bukod sa karamihan sa ati’y tamad, masyado rin tayong mahangin.
Kung susuriin natin, ang ugat ng ating katamaran at kayabangan ay ang paniniwala natin na, sa labas ng pamilya, hindi na natin sagutin ang ibang tao, lalo pa ang sarili nating bansa. Kanya-kanya – iyan ang pilosopiya ng karamihan sa atin. Madalas, wala tayong pakialam kahit sino pa ang masagasaan; ang mahalaga’y nakalamang tayo, nakaungos tayo.
Kaya naman bigyan mo lamang ng isang medyo mataas na katungkulan sa gobyerno o kaya’y kaunting kayamanan ang isang Pilipino at ang isa sa mga una nitong gagawin ay magdawit ng ilang police escorts at magparada sa kalye at ipagsigawan sa ibang tao na, “Hoy, mga peon, importante ako!”
***
Minsan, sa sobrang pagkainis, binuntutan ko ang isang convoy ng mga sasakyan na papuntang Greenhills sa kahabaan ng Ortigas Ave.
Wala naman silang police escort, pero lahat ng mga pawang naglalakihang sasakyan na nasa convoy ay may mga wang-wang na ginagamit ng mga ito upang harangin, giliran at singitan ang iba pang mga sasakyan.
Kumanan sila sa Connecticut, pumasok sa Greenhills at tumigil sa pangunang entrada ng shopping mall. Gaya ng inaasahan ko, isa na namang langaw na mataas ang lipad ang nanggulang ng kanyang kapwa. Ang lulan ng pinakamagarang sasakyan sa convoy ay isang kilalang beautician na napagalaman ko ay may beauty salon sa Greenhills. Dadalawin lamang pala niya ang kanyang negosyo.
***
Bakit nga ba tayo ganito?
Ang madalas na hatol naming mga magkakabarkada habang nasa malalim na impluwensya ni San Miguel ay dahil marahil sa walang yugto sa ating kasaysayan na tayo’y naging isang tunay na bansa na hinulma ng ilang taong pakikibaka para sa tunay na kalayaan.
Malabnaw ang ating pagka-Pilipino kaya marami sa atin ang wala talagang malasakit sa sarili nating bansa. Pamilya, oo. Bansa, medyo.
Madalas, mas nanaiisin pa nating ma-asimila na lamang ng ibang bansa.
Sa loob ng tatlong taon, naging isang bayan ng mga migrante ang Pilipinas. Ayon sa estatistika mula sa gobyerno, kasalukuyang nakakalat sa kulang-kulang 192 bansa at teritoryo ang mahigit 7.76 milyong Pilipino. Mahigit 2.87 milyon ang tuluyang naninirahan na sa labas ng Pilipinas at sumasaludo sa ibang bandila.
Isa sa bawat limang Pilipino naman na nandito sa Pilipinas ang nais nang magalsa-balutan. Ang nakakabahala pa dito ay kulang-kulang kalahati sa mga batang ang edad ay 10 hanggang 12 ay nagnanais na sa ibang bansa na lamang makapagtrabaho.
Hindi ko sila masisisi. Tuwing makakita ako ng isang convoy ng mga pribadong sasakyan, hindi ko mapigilang maisip na lumayag na rin at manirahan sa isang bansa na kung saan ang tunog ng isang sirena ay nangangahulugan ng isang totoong emerhensiya.
About the Writer
Raul is a sub-editor at The Straits Times. He used to work for San Miguel Corp and The Philippine Daily Inquirer before, like his father before him, he got swept up in the Filipino Diaspora. He has been in Singapore for a little over a year now. He spends most of his time at his flat in Woodlands. When he's not there, he's either playing badminton at Redhill, wasting away at some bar in Tanjong Pagar or just sucking up everything Singapore has to offer.
Email address:
piniggapura@gmail.com

Subscribe to:
Posts (Atom)