Showing posts with label my poems. Show all posts
Showing posts with label my poems. Show all posts

Saturday, October 4, 2008

BOMBSCARE

Sa matao na eskenita
Di inaasahang tayo'y magkita.
Bitbit ko ang ala-ala
ng kahapon kong masigla
Di ba't ikaw ang pangarap
na lagi kong inaasam.
Ngayon ay kaharap
at pinagmamasdan.

Binuo ang loob ko
na sa iyo ay magpakilala
nang aking matatanto
kung ang pangarap
ay abot kamay na

Wari'y nagusap ang iyong mga mata
at inakit ang puso kong mahina.
Ako'y nagdesisyon sa unang hakbang
sabay lunok ng tuyong lalamunan.

Biglang may nagsigawan!
MAY BOMBA DAW SA KANTO!
Mga tao ay nagsulputan
Lahat karipas ang takbo.
Di mawari ang paligid
animo'y umikot ng sampung ulit.
alerto kong tuhod agad nasa gilid.
Pangarap na iha sa isip nawaglit.

Ingay ay naglaon,
galit at takot ang pumalit
sa teroristang naglayon
ng kahayupang lupit.
Mayuming nasa harap ko
di ko na makita,..
marahil sa kakapalan ng tao'y naglaho
Nawala na parang bula.
Naudlot na diskarte dahil
sa LETSHENG TERORISTA!
Walang ginawang mabuti
pangarap ng iba ay sinira.

Maghihintay na lang uli
ng susunod na pagkakataon.
makatagpo ng mayumi.
At terorismo ay maglaon.

Sa pagsikat ng araw

SA PAGSIKAT NG ARAW


Sa pagsikat ng araw
ayokong mawalay
Sa gabing nagdaan
alaala mo’y hagkan

Sa pagsikat ng araw
Ika’y tinatanaw
Akala ko’y kapiling ka
sa gabing maginaw

Sa pagsikat ng araw
sana ika’y di mawalay
Di na mapigil damdaming tinataglay
Kahit na ikaw ay ala-ala
at ako ay bihag pa.
Nais ko it ay manatili
Kasama kasama ang matamis mong ngiti

Sa pagsikat ng araw
Aking inaasam
na ito ay huli na
ang magdamagay magpatuloy na.
Ayokong magising na nag-iisa
Pagkat sa panaginip ika’y
kapiling na.

Sa pagsikat ng araw
minsa’y umaasa pa
Sa pagsilip ng umaga at pagmulat ng mata
totoo mong ngiti ang makikita
Ang magdamag at umagaay
magiging masaya
Pagkat ikay tunay
at kapiling na.