Friday, August 21, 2009

Guitaramhine

This morning nagising akong sobrang lungkot. Sobrang namiss ko ang gitara ko. hay! Nibenta ko lang naman sya kasi wala na akong work at mahihirapan akong iuwi yun. Nevermind, this time may new work na ako, I can buy a new one. Even a Yamaha. Joke! But of course not this brand. Gusto ko lang naman eh magkamot ng daliri.

Part na ng mawawala sa buhay ng isang OFW sa abroad eh ang pagigigng updated sa OPM music scene or ang pag-attend ng gig or live concert. So minsan malaking tulong ang gitara. Simpleng kaskas at kanta kapag nalulungkot. Or minsan maghabi ng sariling song at kantahin. well, it doesn't matter kung maganda or hindi. Madalas kasi sa isip mo lang naisulat, ginawan ng himig at sinabayan ng pagkaskas ng gitara. Ayus na! Bumabalik lang yung memories ng pagbabanda-banda. Simpleng kaligayahan lang di ba. Limot na ang problema.

So sana magkaroon pa ako ng maraming time. Parating na ang pasko at Chinese New year, mahabang holiday at relax atmosphere. Pero kaakibat nito syempre ay ang lungkot kasi malayo ako sa pinas. Siguro panahon na ulit para bumili ng bagong gitara. Bumili na ng gamot habang maaga.

Gitara=Gamot